Miyerkules, Disyembre 26, 2012

Tanong: Hindi po ba ang salitang Purgatoryo, Santisima Trinidad at Immaculada Conception ay wala sa Bibliya? Ibig pong sabihin nito hindi totoo ang mga ito dahil ang mga salitang ito ay hindi makikita sa Banal na Kasulatan?





Sagot: Hindi po ganun, wala pong nasasaad sa Bibliya na porke't hindi na makikita ang salita sa Bibliya ay hindi na ito totoo. Maging ang salitang "Bibliya" ay wala sa Bibliya, ibig po bang sabihin ay hindi na natin dapat paniwalaan ang Bibliya? Hindi po ganun. Ang mga salitang Purgatoryo, Santisima Trinidad at Immaculada Concepcion ay wala sa Bibliya ngunit ang katotohanang meron nito ay pinapatunayan sa mga talataan sa Banal na Kasulatan. Ang mga ito ay hindi imbento ng Simbahang Katolika, ang mga ito po ay pinangalanan lamang nito. Pag po ba pinangalanan ko ang aso ko ng Bultik, ibig bang sabihin ako na ang lumikha sa asong ito? Hindi po. Katulad din po ito ng existence ng Purgatryo at iba pang nabanggit. 

3 komento:

  1. Sige nga po, ano ang pinagbabatayan sa biblia ng Purgatoryo, Santisima Trinidad at Immaculada Concepcion?
    Tama na sana ung logic nyo, kaso wala talaga sa biblia ang mga terms (Purgatoryo, Santisima Trinidad at Immaculada Concepcion), idea at saligan ng mga iyan.
    Pati nga ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ay walang nakasulat sa biblia eh.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung HIndi po katoliko ay hindi dapat kayo nakikisali sa dikusyong ito.Kung wala din po kayong sasabihin na maganda ay just SHUT UP YOUR MOUTH."Try nyo"

      Burahin
  2. kasinungalingan din na walang mababasang BIBLIA sa Banal na kasulatan..ang salitang Biblia ay hinango sa salitang Griego na “βιβλια” [Biblia], na ang ibig sabihin ay “Books” o “Mga Aklat”:

    “The Bible (sometimes The Book, Good Book, Word of God, The Word, or Scripture), from Greek (τα) βιβλια, (ta) biblia, "(the) books"

    Sa Filipino:

    “Ang Biblia (kung minsan Ang Aklat, Mabuting Aklat, Salita ng Diyos, Ang Salita, o Kasulatan), mula sa Griego (τα) βιβλια, (ta) biblia, “(ang) mga aklat” [Wikipedia Encyclopedia]

    ngayon ang tanong ay MERON BA MABABASANG SALITANG BIBLIA SA BANAL NA KASULATAN? syempre MERON dahil sa ANG SALITANG BIBLIA AY MULA SA WIKANG GRIYEGO, NATURAL SA GREEK NATIN SYA BABASAHIN!

    Juan 21:25 “εστιν δε και αλλα πολλα ‘οσα εποιησεν ‘ο ιησους ‘ατινα εαν γραφηται καθ ‘εν ουδε αυτον οιμαι τον κοσμον χωρησαι τα γραφομενα βιβλια αμην”

    Apocalypsis 20:12 “και ειδον τους νεκρους μικρους και μεγαλους ‘εστωτας ενωπιον του θεου και βιβλια ηνεωχθησαν και βιβλιον αλλο ηνεωχθη ‘ο εστιν της ζωης και εκριθησαν ‘οι νεκροι εκ των γεγραμμενων εν τοις βιβλιοις κατα τα εργα αυτων”

    siguro naman nababasa ang salitang BIBLIA? ^_^ dapat dito padoktrinahan natin ang may ari ng blog na ito.. para hindi naliligaw ng landas.. ^^_

    TumugonBurahin