Huwebes, Hulyo 19, 2012

Bakit may manok na hawak si San Pedro? Sabungero ba siya? Yung susi bang hawak niya e susi ng kulungan nung manok niya?

 
                            Ang larawan ay kinuha sa St. Peter the Apostle Parish Calauag, Quezon

Bakit may manok na hawak si San Pedro? Sabungero ba siya? Yung susi bang hawak niya e susi ng kulungan nung manok niya?

Hindi po sabungero si San Pedro at hindi rin po susi ng kulungan ng manok niya ang kadalasang nakikita natin sa mga larawan o rebultong nagrerepresenta sa kanya. Ang mga ito po ay may simbolismo.

Nasasaad sa Banal na kasulatan:

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako'y iiwan ninyong lahat, sapagkat nasasaad sa Kasulatan, 'Papatayin ko ang pastol, at mangangalat ang mga tupa.' ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea." Sumagot si Pedro, "Kahit na po iwan kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan." "Tandaan mo," sabi ni Jesus sa kanya, "sa gabi ring ito, bago tumilaok nang makalawa ang manok ay makaitatlo mo akong itatatwa." Subalit matigas na sinabi ni Pedro, "Kahit ako'y pataying kasama ninyo, hindi ko kayo itatatwa." Gayon din ang sabi ng ibang alagad.

(MARCOS 14:27-31)

Sinabi ni Hesus, bago tumilaok nang makalawa ang manok, makaitlo siyang itatatwa ni Pedro. Yung po ang isinisimbolo ng manok na hawak ni Pedro.

Ikalawang paglilinaw, ang susi naman daw ay ang susi ng kulungan ng manok na panabong ni San Pedro. Maling-mali po mga kapatid. Saan man sa Bibliya ay wala pong masasaad na ganito. Ang susi na hawak ni Pedro ay sumisimbolo sa susi ng kalangitan nang sabihin sa kanya ni Hesus,

18At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 20Nang magkagayo'y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo.

(Mateo 16:18)

Mga kapatid, sana po ay nakatulong ito at nakadagdag ng kaalaman sa inyo. Salamat po sa pagbibigay ng panahon sa pagbabasa nito.

Ang may-akda: Katryn M. Leonor

9 (na) komento:

  1. Hi, Kat.

    Nakiraan lang muna para bumati ng isang magandang hapon.

    Nice post.

    God bless!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi po. Marami pong salamat sa pagbabasa. God bless you too po =)

      Burahin
  2. Amen kapatid. Sana magising ang mga sabungero sa katotohanan at pati na rin ang hindi natin kaanib. Kahit sa mga bahay sa Europa at Amerika iyan din ang isinasagisag ng tandang sa tuktok ng mga weather vane nila. Isinasagisag nito ang pagpapakumbaba ni San Pedro. Sana matuto ding magpakumbaba ang mga taga-ibang sekta.

    TumugonBurahin
  3. Banal po ba si san pedro at ang mga pari? Nag ssearch kasi ako salamat

    TumugonBurahin
  4. Salawahan pala si Hesus sa mga talatang yan, SABI NIYA NA HUWAG DAW IPAGSASABI NA SIYA ANG CRISTO, tapos sinabihan pa niya si PEDRO na satanas ka .....yan ang po ang outcome ng isang biblia na ulya at jary in other words Bibliang ulyaning jaryo

    TumugonBurahin
  5. Ano pong kulay ng manok ni san pedro?

    TumugonBurahin